Hindi man ako isang basketball player, pero sa mga pagkakataong nakapanunuod ako ng isang basketball game, mayroong tinatawag na Time-Out. Dito, ipinagbibigay alam ng isang coach sa game committee na sila ay tatawag ng time-out, una, para mapaganda ang strategy ng kuponan at makalamang sa kalaban. Ikalawa, para mailayo ang isang player in committing a violation. Mga pamilyar na senaryong ating nasasaksihan, lalo pa’t ang ating bansa ay may natatanging pagmamahal at suporta sa nasabing laro.

For more than 3 weeks lockdown na ating nararanasan sa buong Metro Manila at iba pang panig ng bansa, at kung saan ang halos lahat sa’tin ay naka-work from home na. May mga ilan na walang pinagkakaabalahan sa kanilang mga tahanan; kaya naman, kumakalat na ang mga Tiktok videos, #FindingMayor posts, Enrile memes, at marami pang iba.

Ngunit para sa akin, ‘di lamang ito basta lockdown. It is also a time kung saan si Lord ay tumawag ng time-out mula sa lahat ng ginagawa natin—mula sa kaniya kaniyang nating pinagkakaabalahan, at mula sa sa ingay ng mundong ito. Ang Diyos, bilang nag-iisang head coach ng ating buhay, ay inaanyayahan tayo para sa isang time-out upang huminga, makinig at muling bumalik sa pinting ng kaN’yang puso.

REFLECTING ON OUR LIVES

God calls for a time-out for us so we can simply reflect and re-evaluate our lives. He calls for a time-out for us to allow Him to conduct an open-heart surgery sa atin. May mga na-realize ka na ba sa buhay mo na dapat mong ipatama sa Lord? In-allow mo na ba ang Lord na i-examine ang puso mo at linisin Niya ito?

The invitation of God is clear in Isaiah 1:18:

“Come now, let us reason together, says the Lord: though your sins are like scarlet, they shall be as white as snow; though they are red like crimson, they shall become wool.” (ESV)

God is inviting us to come as we are. Maging honest before Him at hayaan Siyang baguhin ang puso at isipan natin.

REST IN THE LORD

Sa panahong ang isang player ay napapagod na, ang coach ay tumatawag ng time-out para ang player ay makapag-water break, umupo, at makapagpahinga. Sa pamamagitan nito, manunumbalik ang lakas ng isang player.

Sa totoo lang, para sa isang busy na tao na tulad ko, the Lord, because of the past seasons of my life, is allowing me to learn how to rest. In fact, to rest can be the most spiritual thing I can do! God is inviting us to rest in Him alone.

“Are you tired? Worn out? Burned out on religion? Come to me. Get away with me and you’ll recover your life. I’ll show you how to take a real rest. Walk with me and work with me—watch how I do it. Learn the unforced rhythms of grace. I won’t lay anything heavy or ill-fitting on you. Keep company with me and you’ll learn to live freely and lightly.” Matthew 11:28-30 (The Message)

Take time-out from your social media, quit your mobile game, pause on watching movies from Netflix or K-drama, and sit. Quiet yourself before God. Open your heart to Him. Allow Him to speak as you meditate on His Word. Let God minister to you as you rest and spend quality time with Him.

REKINDLE YOUR FIRE

“Alam ko ang mga ginagawa mo, kung gaano ka kumakayod at nagtitiis. Alam kong hindi mo kinukunsinti ang mga masasamang tao. Tinest mo yung mga nagsasabing sila ang mga apostles. Alam kong nagtiis ka at naghihirap para sa akin, at hindi ka sumuko. Pero ito ang ayaw ko sayo, hindi mo na ako mahal kagaya ng dati.” – Revelation 2:2-4 Pinoy Version

Ang pagtawag ng Diyos ng time-out ay pagtawag din Niya ng pansin sa atin. Marahil business-as-usual na lang ang Christian Life natin. Hindi na natin nararamdaman ang pag-ibig ng Lord as we serve Him. Ang pagtawag ng Diyos ng time-out ay hindi lang para mag-reflect tayo at magpahinga sa piling ng Lord. Ito rin ang panahon na i-ask natin ang Lord na muli Niyang pag-alabin ang pag-ibig natin sa Kanya.

Hayaan natin na akayin tayo ng Diyos sa Kanyang piling sa panahong tulad nito.

“Kami’y akayin at Iyong dalhin
Hanggang marating na ang lalim
Ng Pintig ng Iyong puso
Na nagsasabing, “Ika’y manatili
Sa aking piling, at Iyong dinggin,
Ako’y mahalin at laging sundin,
At Sasambahin.”

– excerpt from “Pintig ng Iyong Puso” by
Pastor Joey Crisostomo, 2017, JIL Worship

Igy Zafe

Igy Zafe dreams of seeing Rev. 7:9 in his generation. He is actively mobilizing the Body of Christ through the Kairos Course. He is also the Administrative Staff of JIL U-Belt and the Layout Artist of One Voice Magazine.