“Kapag tinawag ka ng Panginoon, susunod ka ba?”

Nabubuhay tayo sa panahaong may takot na lumabas sa nakasanayan.
Nabubuhay tayo sa oras na may tengang kawali sa mga panawagan.
Nabubuhay tayo sa henerasyong hirap humarap sa paninindigan.
Nabubuhay tayo sa oras na ang paglingon sa kinagisnan ay hindi naman kailangan.

Ngunit…

May mga tao pa ring naging hayag sa kanilang katapangan.
Mayroon pa rin positibong tumugon sa panawagan.
Mayroon pa ring handing tumayo sa kanilang paninindigan.
Mayroon pa rin handing sumugal para sa ikatataas ng KaN’yang pangalan!

90% Buddhist at 80-90% ang mahihirap.

Ganito inilarawan ni Janice Jeromae Apostol o mas kilala sa tawagna “Jaja” ang komunidad ng Cambodia, ang bansang itinuring na nilang tahanan kapiling ang kanyang kabiyak na si Pastor Rogil sa loob ng siyam na taon hanggang sa kasalukuyan. Ito ang bansang nagpabago sa kanila hindi lamang bilang mag-asawa, kundi bilang isang mga misyonerong may positibong pagtugon sa tawag ng Panginoon.

Newly baptized believers at Kampong Chnang Outreach

Newly Baptized believers at Kampong Chnang Outreach with Teacher Sopheap, local missionary

Lumaki sa Sipalay, Negros Occidental, hindi naging madali para kay Jaja Apostol ang mamuhay ng hindi kapiling ang kanyang ina na isang Overseas Filipino Worker habang nasa Bacolod naman ang kanyang ama. Sa mura n’yang edad, ang tanging naisin lamang ng kanyang puso’y muling mabuo ang kanyang pamilya. Gayunpaman, naging sandigan at inspirasyon n’ya ang kanyang lolo at lola na s’ya ring nagpalaki sa kanya. Hindi lumaon, nakapagtapos s’ya sa kursong Business Management sa University of St. La Salle. Hindi pa man bukas sa isip at puso ni Jaja ang pagpasok sa ministeryo, nagkaroon na s’ya ng malalim na ugnayan sa Panginoon habang nag-aaral sa kolehiyo. Naging parte s’ya ng isang campus ministry at doon n’ya mas naunawaan ang salita ng Dyos at naramdaman ang grasya ng Panginoon.

Nagkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap na makasama ang kanyang ina nang s’ya ay lumipad patunong Dubai matapos magtapos ng kolehiyo. Ngunit isang araw, nagising na lamang s’ya na tila ba’y hinihila ang kanyang puso pabalik sa kanyang pinagmulan. Nasabinalamang n’ya sa Panginoon, “Hindi panatag ang aking puso. Gusto ko nang umuwi.”  At matapos ang walong buwang paninirahan sa Dubai, tumulak s’ya muli pabalik sa Pilipinas. Naging parte na ng buhay ni Jaja ang paglilingkod sa Diyos at sakanyang pagbalik, ibinuhos n’ya ang kanyang oras sa isang campus ministry na una n’yang kinabilangan.

Noong 2007, nag-organisa si Pastor Rogil ng isang Missions Trip sa iba’t-ibang bansa sa Asya tulad ng  Vietnam, Malaysia, Thailand, at Cambodia. Sa mga nabanggit na bansa, higit silang naglaan ng oras at araw sa Cambodia kaya naman sa kanilang pagbalik sa Pilipinas, nasambit na lamang ni Pastor Rogil ay: “Sa palagay ko ay naiwan ko ang aking puso sa Cambodia.” At dito nila sinimulang hinanap at natagpuan ang  pamilya sa Cambodia.

Hindi naging madali ang kanilang pamamalagi sa dayuhang bansa. Nakita nila ang pangangailangan sa Edukasyon, araw-araw na pagkain at higit sa lahat, ang pangangailangang maipakilala si Hesus. Ani ni Jaja, alam n’yang inihanda ng Panginoon ang kanyang puso sa gawain at ministeryong ito. Naging pangunahing balakid sa kanila ang linggwahe, lalo pa at ang kanilang alpabeto ay nakasulat sa Sanskrit ngunit ang pag-ibig na nagmumula sa Panginoon ang kanilang naging paraan upang magkaunawaan.

Children during a feeding program activity

Our monthly feeding program after learning the Bible with the children at the Kampong Chnang outreach

Nasaksihan din nila ang laganap na suliranin sa malnutrisyon, kawalan ng pag-asa na makatuntong ng kolehiyo at mga problema sa pamilya. Ito ang mas nagpaa-alab ng kanilang kagustuhang mapalago ang nasimulang gawain sa Panginoon. Mga mag-aaral at kabataan ang kanilang naging disipulo sa Cambodia. Bukod sa pagpapakita ng totoong pagmamahal at pagtuturo ng Bibliya, naglulunsad din sila ng donasyon ng mga damit, gamit sa eskwelahan, feeding program gayundin pagtuturo ng Ingles. Kamakailan lamang ay nagbukas sila ng dormitory upang makatulong sa mga kabataang mag-aaral at walang matutuluyan, o kaya naman ay malayo sa kanilang paaralan.

Tulad ng maraming misyonaryo sa iba’t-ibang panig ng mundo, nakaranas din si Jaja at ang kanyang kabiyak ng pag-uusig. Isang araw habang sila ay nagpapahayag ng salita ng Diyos sa isang paaralan, may pagbabanta silang natanggap na sila ay isusuplong sa namamahala sa paaralan kung hindi nila ihihinto ang kanilang gawain. Ngunit sa kabutihan at pag-iingat ng Panginoon, walang pagsusuplong na naganap at naipahayag pa rin nila ang kanilang layunin sa mga kabataang mag-aaral. Bukod pa rito, may namuo ring takot sa puso ni Jaja na baka hindi n’ya matutuhan ang kultura ng bansa at maging mahirap sa kanila ang pag-abot sa mga kabataan. Sa tulong na rin ng maayos na pagtanggap ng gobyerno ng Cambodia, unti-unti nilang nayakap ang buhay sa Cambodia.

“Kahit isang tao lamang na makakilala sa Panginoon at makikita mo ang pagbabago, mga sorpresa mula sa Panginoon, pamilya sa Cambodia— ang maging katulad at kaisa nila, ang mahalin sila at bigyan ng ngiti sa kanilang mga labi.” Hindi man madali ang gawaing iniatang sa kanilang mga balikat, ilan lamang iyan sa mga maraming gantimpala ang natatanggap ng mag-asawa sa kanilang pakikipamuhay at misyon sa Cambodia. Dagdag pa ni Jaja, mas nailapit n’ya ang kanyang sarili sa Panginoon. Natutunan n’yang magtiwala at dumepende sa Panginoon at sa pagkilos ng Banal Na Ispiritu sa lahat ng oras. Malaking bagay ang pagpapakumbaba at pasensya lalo mga dinidisipulo.

Lumaki man si Jaja na hindi sanay sa pagmamahal ng isang buong pamilya, hindi naman ito naging hadlang upang hindi s’ya magbigay ng totoong pagkalinga at serbisyo sa ibang taon anangangailangan din nito. Panawagan n’ya sa mga kabataang Kristiyano, “Wag sayangin ang inyong buhay. Maikli lamang ito. Ilaan at ibigay ang ating buhay kay Hesus.”

Students in dormitory during monthly dinner fellowship

Photo taken during our monthly dinner fellowship with our students in our dormitory ministry

Ang kwentoni Janice Jeramie Apostol ay isa lamang sa napakaraming misyonerong Pilipino na tumugon sa panawagan ng Panginoon. Ito ay pagpapamalas ng katapangan at matinding pananampalataya sa Diyos. Kalakip din nito ang matayog napangarap at pag-asa sa mga susunod na henerasyon, mas marami na ang nakakikilala at may buhay na ganap sa piling ni Kristo.

Sa kung anumang sitwasyon mo ngayon, may gusto ring ipagawa sa iyo ang Panginoon.

Handa ka bang tumugon?

Kampong Chnang children

I took this picture during our ministry visit to Kampong Chnang and my heart was broken because a few of them cried when we left.

Glendell Mae Tupido is a full-time disciple and discipler for her Lord Jesus Christ. She started her career at One Voice Magazine as in intern and later became the Filipino Editor. Her love for children inspired her to become a Sunday School teacher.