Kalayaan, nakamit ka nga ba sa gitna ng kaguluhan?
Natagpuan ka na ba ng aming bayan?
Isa lamang itong pormal na terminolohiya—hungkag lamang?

Napadaan ka lamang ba sa bayang sinilangan?
Ikaw ba ay nanatili o pinilit na lang na hagkan?
Malubha na kasi ang aming sinasapit—pang-aapi sa modernong panahon.

Kalayaan ba ang maituturing na magkaroon ng karapatang binubusalan?
Pati mga pinunong hindi nagbibigay ng dangal sa Diyos at sa bayan?

Maiaahon mo ba sa hirap ang mga dukha?
Mapapanagot ba ang mga taong may sala,
O patuloy mo lang silang bibigyang-laya?

Kalayaan ba ang maituturing kung walang hustisyang dumarating?
Kung walang pagkakasundo at pagkakaisa, kalayaan ba’y maniningning?

Hindi kita sinusumbatan, Kalayaan.
Huwag mo sanang masamain ang aking pag-uusisa.
Malaya kang ipagtanggol ang iyong sarili,
Malaya kang magpahayag ng katotohanan—
Upang ihatid sa amin ang tunay na kalayaan.

Geraldine Peralta

Ms. Geraldine Peralta is a believer, follower, and disciple of the Lord Jesus. She is a daughter of our gracious, Heavenly Father, Adonai! She is a sister among six siblings and four in-laws, an aunt of a nephew and 3 nieces, and a daughter of Mr. Gilberto & Mrs. Salvation Peralta. She is a teacher for indigent children and youth. She currently works as a Community Developer under the Give Jesus Ministry: Genesis One Church & Development Center.