Laya ang hatid ng tunay na kalayaan
Ngunit tila nadudungisan ito ng kawalang katarungan
At nagbabago-bagong kaguluhan.
Sapat na ba ang isang araw na paggunita?
Ang maipagdiwang ito ng isaan daan at dalawampu’t walong taon?
Ano ba ang ipinangako nitong kalayaan
Kung hindi naman natatamasa ng buong bayan?
Hinihintay kita, nag-aabang sa loob ng tahanan,
Hinahanap sa mga pamilihan, sa liwasan, at mga lansangan.
Inaabangan kitang malathala sa radyo at telebisyon
Maipahayag ang laya sa mga dukha, inaapi, at inaabusong mga bata,
Kasama ang mga kababaihan at mga komunidad sa buong bayan.
Pero hindi ko sinasabi na wala ka, kalayaan.
Nakita na kita at ang iyong mga gawa.
Kaya ako’y naghahabol na parang isang kasintahan.
Palaging lumalapit at nanunuyo sa’yo
Nang hagkan ng kapwa ko ang pagmamahal sa kalayaan—
Ang malakas na pananalig na maranasan ito ng aming mga kabayan.
Dahil sa ating pagtitinginan, alam ko na tanging ang dakila mong pag-ibig ang nagpalaya sa aming bayan.

Geraldine Peralta
Ms. Geraldine Peralta is a believer, follower, and disciple of the Lord Jesus. She is a daughter of our gracious, Heavenly Father, Adonai! She is a sister among six siblings and four in-laws, an aunt of a nephew and 3 nieces, and a daughter of Mr. Gilberto & Mrs. Salvation Peralta. She is a teacher for indigent children and youth. She currently works as a Community Developer under the Give Jesus Ministry: Genesis One Church & Development Center.



