Pikit. Paos. Hikbi.
Hinga nang malalim, punas muli,
“Kaya pa ba? Ayos ka pa?”
“Mata mo’y may maipapatak pa kaya?”
Pinatumba ka na ng problema,
Pinalampa ng pag-aalala,
Sa mundong maingay at may takot na dala,
Paano titila ang mga luha sa mata?
Sa iyong paggigsing na walang katiyakan,
Kailan matutuldukan ang kapighatian?
Ngunit kapatid mas magpuri ka!
Iluhod sa Diyos ang bigat na nadarama,
Sa tagpong wari mo’y ‘di ka N’ya tanaw,
Pag-alabin ang pusong durog at uhaw.
Magpuri sa kalagitanaan ng wasak ng puso,
Masusumpungan mo ang Diyos na tapat at totoo.
Ang plano N’ya sa iyo ay hindi pa tapos,
Ang iyong pag-hangos ay simula ng pagpapalang bubuhos!
Glendell Mae Tupido is a full-time disciple and discipler for her Lord Jesus Christ. She started her career at One Voice Magazine as in intern and later became the Filipino Editor. Her love for children inspired her to become a Sunday School teacher.