ni Beiah Tudio
Mainam
Isang pusong kuntento
ang ngayo’y taglay N’ya
Ipinahinga N’ya ang kanyang paa
Muli ay Kanyang pinagmasdan ang mundong kagagawa pa lang
Alam ng Panginoon
na ang lahat ay mainam
Humalakhak sya’t ngumuya
Walang pakialam
Hindi maistorbo sa kanyang kasiyahan
Napakurap
Gulat sa bilis ng mga naganap
Kanina’y malakas ngayo’y nanghihina
Akala ng tao’y sya’y makapangyarihan
Puso’y durog
Pira-pirasong mga batong
Isa lamang ang makapagpapalambot
Nagkatawang tao
Hinarap lahat ng pagsubok
Alam ng Diyos
na S’ya lamang ang makaliligtas sa tao
Itinalikda N’ya ang Kanyang paningin
Napuno ang puso N’ya ng lungkot
Isang huling hininga ang Kanyang inilabas
Puno ang puso N’ya ng pag-asa
Alam ng Anak at Diyos Ama
na kailangan itong magawa
Namilipit siya sa sakit sa dami ng emosyong
Sabay sabay na nagpumiglas
Napaluhod s’ya sa kanyang kinalalagyan
Mata’y basa sa pagtangis
Puso’y magaan at galak
Alam ng tao na siya’y pinatawad
Dalawang taong libo
nandito ng pag-asa mo