Noong Hulyo 2025, binayo ang Pilipinas nang matinding mga bagyo at hanging  habagat na nagdulot nang matinding pag-ulan at pagbaha sa buong Luzon at ilang  bahagi ng Visayas. Ang pangyayaring ito ay nagmulat sa mga Pilipino at naging daan  upang muling usisain kung saan nga ba talaga napupunta ang badyet ng gobyerno  patungkol sa mga proyektong tulad ng Flood Control. Nakatala sa mga dokumento ng  General Appropriations Act na inilabas ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala ng  Pilipinas ang kabuuang alokasyon sa mga proyektong may kaugnayan sa pagbaha mula  sa taong 2022 hanggang 2025 na nagkakahalagang mahigit-kumulang 1.2 trilyong piso.  Sa isang talumpati naman ni Senador Panfilo Lacson, isiniwalat niya ang paggastos sa  bawat flood-control project sa Pilipinas—8-10% ang napupunta sa District Engineer, 2-3%  sa Reseta, o kickback, 5-6% sa Bids and Awards Committee, 0.5-1% sa Komisyon sa Audit, 5- 6% bilang bayad sa pulitiko na nakaupo sa nasabing distrito, at 20-25% para sa pulitiko  na nakaisip ng proyekto. Kung ating susumahin ay 40% na lamang ang natitira para sa  implementasyon ng proyekto. Ang natitirang 40% na nagkakahalaga nang halos 480  bilyong piso ay nakalaan para sa implementasyon sa nasabing proyekto, ngunit halos  wala pa ring mahagilap na maayos na proyekto. Nasaan ang nasabing proyekto? Sa  kabila ng nakalaang badyet para dito ay ilang mga lungsod pa rin sa Pilipinas ang  nagdeklara ng state of calamity ng dahil sa nangyaring pagbaha nitong nakaraang Hulyo.

(Larawan ni Jeffry S.S. mula sa Canva)

Bilang isang Pilipino, kinakailangan nating malaman ang mga impormasyong  patungkol sa mga gawain ng gobyerno. Una, ito ay dahil tayo ang unang makikinabang  at maaapektuhan ng mga proyektong ito. Batay sa datos ng Kagawaran ng mga  Pagawaing Bayan at Lansangan, sa gitna ng bagyong Crising, Dante, at Emong, umabot  sa 4.19 bilyong piso ang danyos sa flood control structures sa Cordillera Administrative  Region, Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 6, at Negros Island Region. Kailangan nating malaman  kung nagagamit nang maayos ang nakalaang pondo upang maiwasan ang mga  trahedyang tulad nito. Mahalagang magkaroon ng checks-and-balances upang masiyasat  nang maayos ang kinahihinatnan ng bawat proyekto. Pangalawa, ito ay upang  magkaroon ng pananagutan ang gobyerno sa paghawak ng kaban ng bayan.  Mapagtutuunan ng pansin ng mga pulitiko ang kanilang sinumpaang tungkulin sa  bayan. Kapag nakita ng mga pulitiko na may pakialam tayo para sa bayan, mapipilitan  silang gampanan ang kanilang tungkulin dahil alam nilang nakamatyag tayo sa kanilang  mga gawa. Pangatlo, magiging daan ito upang malaman natin kung sino ang karapat dapat na maluklok sa posisyon sa susunod na halalan. Makikita nating mga Pilipino  kung sino ang tunay na may malasakit sa bayan at magiging malinaw sa taong bayan  kung sino ang kumikilos ng may integridad o wala. Magkakaroon tayo ng panibagong  batayan sa pagpili ng mga iboboto sa susunod na halalan.

Sabi nga sa Roma 4:12, “Kaya lahat tayoʼy mananagot sa Diyos sa lahat ng ating  mga ginawa.” Dapat magsilbi itong paalala sa mga pulitiko na pagbutihin ang kanilang  trabaho nang may integridad, dahil nakamatyag ang Diyos na huhusga sa lahat nating mga gawa. Gayundin sa mga mamamayan, nawa ay alalahanin natin na may  responsibilidad tayo sa bayan na pumili ng may integridad at hindi ipagbili ang boto  tuwing eleksyon. Kailangang maging mapagmatyag tayo at magtulungang puksain ang  korapsyon sa bansa. Naaalala ko ang pahayag ng tanyag na brodkaster na si Karmina  Constantino na ang ating kolonyal na nakaraan ay nagdulot sa atin ng takot na panagutin  ang mga tao, lalo’t higit ang ating mga pampublikong opisyal. Nawa’y sa pamamagitan  ng pahayag na ito ay maging responsable rin ang mga Pilipino sa pagmatyag sa mga  pulitiko dahil tayo rin ay mananagot sa Diyos tungkol dito. Sinasabi rin sa 2 Mga Taga Corinto 8:21 na “Sapagkat sinisikap naming gawin ang tama, hindi lamang sa paningin  ng Panginoon, kung hindi maging sa paningin ng tao.” Dapat mas paigtingin ng mga  pulitiko ang paggawa ng tama dahil ito ang kanilang sinumpaang tungkulin. Nawa ay  lumitaw ang integridad ng mga pulitiko sa mga pahayag na ito ng Bibliya.

Marami pa ang kailangang gawin ng pamahalaan upang mapatupad ang hangarin  nitong magkaroon ng bayang may integridad. Ang pagkilos ngayon at pagtutulungan  ng bawat isa ay isang malaking habang patungo sa kaulanrang ninanais natin para sa  ating bansang Pilipinas.

Mga Sanggunian

Author unknown. (2025, August). “FLOODED GATES OF CORRUPTION” Privilege Speech of Senator Panfilo M. Lacson. Senate of the Philippines. https://web.senate.gov.ph/press_release/2025/0820_lacson1.asp

Author unknown. (2021, December). General Appropriations Act, Volume 1-B  Fiscal Year 2022. Department of Budget and Management.
https://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/GAA/GAA2022/GAA-2022-VOL-1- B.pdf

Author unknown. (2022, December). General Appropriations Act, Volume 1-B  Fiscal Year 2023. Department of Budget and Management.
https://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/GAA/GAA2023/GAA-2023-VOL-1- B.pdf

Author unknown. (2023, December). General Appropriations Act, Volume 1-B  Fiscal Year 2024. Department of Budget and Management.
https://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/GAA/GAA2024/DBM_OFFICIAL_GAZETTE_FY_2024_VOLUME_1 -B.pdf

Author unknown. (2024, December). General Appropriations Act, Volume 1-B  Fiscal Year 2025. Department of Budget and Management.
https://www.dbm.gov.ph/wpcontent/uploads/GAA/GAA2025/DBM_OFFICIAL_G AZETTE_FY_2025_VOLUME_1-B.pdf

Author unknown. (2025, July). Monsoon Rains and Storms Cause P5.25-B in  Public Infrastructure Damage. Department of Public Works and Highways.
https://www.dpwh.gov.ph/dpwh/news/38463

Roma 4:12, ASD: Ang Salita ng Diyos.

2 Mga Taga-Corinto 8:21, ASD: Ang Salita ng Diyos

Aaron James S. Dote

Si Aaron James S. Dote ay angsalutatorian ng Philippine Christian School of Tomorrow's Class of 2026. Siya ay kumukuha ng BA Behavioral Sciences sa University of the Philippines Manila.

Ang Philippine Christian School of Tomorrow (PCST) ay sumusunod sa pilosopiya at metodolohiyang pang-Kristiyano. Ito ay gumagamit ng ACE/School of Tomorrow educational system na isang sistemang individualized, mastery-based, at character-focused.Ang PCST ay matatagpuan sa Parañaque City.