Ni John David Bautista
Palaki na nang palaki si Totoy
Ngunit bakit utak yata ay ganang paurong?
Mabuti pa yaong mga batang palaboy,
Sa murang edad, patuloy ang pagsulong
Ang buhay, kung di pa handa ay ‘wag kakaripas
Dahil bata, ika’y maaaring madapa
Gaya ni Totoy na lahat dinalas-dalas
Kaya nang madapa, talagang dumagasa
Sa kanyang pagdagasa, tumunog – malakas na yabag
Saka naman niya naunawaang edad pala’y husto na
Naisip na sa kababawan s’ya pala ay nabitag
Daglit na babangon, pagkat sya nga nama’y napahiya.
Totoy, para saan at ika’y bumabangon?
Anong mga balak mo sa’yong panahon?
Nawa sa wakas, tama na ang tugon,
Sa mga pangungusap ng buhay sa’yo ngayon.
Malayo-layo pa ang lakbayi’t lakarin,
Paniguraduhing dasal ay palalagiin
Samahan ng pag iisip na mas malalim-lalim ,
Nang ‘pag nagkasisiha’y ‘di ikaw ang madiin
Totoy, di kailangang palaging kasabay ng mundo
Minsay kailangang sumaliwa sa pagtakbo
Patunayang may tibay kahit na kakaiba
Pagkat ikaw ay nabubuha’y hindi dahil sa kanila.