May pag-ibig bang minsang ibinigay sa’yo ngunit hindi ka nito nakatagpo?
May pag-ibig bang hindi mo masuklian dahil hindi abot ng iyong katwiran?
Minsan ka bang inibig ngunit ito na lamang ay iyong binaliwala?
Ano nga ba ang ang pag-ibig na taglay na taong ito ay tinatangka?
Pag-ibig nga ba ang matuturing ang mapanakit at tuso?
Ang sa iba’y totoo ngunit sa iba’y bato?
Pag-ibig na hindi na puro
Ito’y natabunan na ng kasamaan ng mundo
O, tao! Ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-ibig ng mo?
Kung sasariwain lamang ang iyong pinagmulan
Sa pag-ibig binuo ang iyong katauhan
Mula sa puso ng Diyos, nilikha ka sa Kanyang larawan
Repleksyong maituturing ang luwal mong pag-ibig
Dahil ikaw ay binuo sa dalisay na pag-ibig at kaparaanan.
O, tao! Marahil ito ang pag-ibig na iyong tinatangka
Ang pag-ibig na pilit itinataboy at binabaliwala
Marahil ang pag-ibig na iyong hinahanap
Ay ang Pag-Ibig na matagal nang nasa iyong harap
Ikaw ay minamahal, O, tao!
Kung bubuksan ang iyong puso
Matagal ka nang tinatawag ng Lumikha sa iyo
Magpasakop sa pag-ibig Niya’t ika’y mabubuo
O, tao! Ito ang pag-ibig na para sa iyo
Sa karunungan ng Diyos ay ibinigay si Hesu-Kristo
Kung maniniwala sa Kanya’y magkakaroon ng bagong puso—
Dalisay, puro, at buo
Mula sa Kanya ay dadaloy sa’yo
Mula sa’yo ay dadaloy sa kanila
O, tao! Ang pag-ibig na ito ay likas na nakapagpapabago—
Ang pag-ibig na maghihilom sa mundo

Geraldine Peralta
Ms. Geraldine Peralta is a believer, follower, and disciple of the Lord Jesus. She is a daughter of our gracious, Heavenly Father, Adonai! She is a sister among six siblings and four in-laws, an aunt of a nephew and 3 nieces, and a daughter of Mr. Gilberto & Mrs. Salvation Peralta. She is a teacher for indigent children and youth. She currently works as a Community Developer under the Give Jesus Ministry: Genesis One Church & Development Center.



