Proud na proud ako sa papa ko!”

Masayang pamilya ang kinalakhan ko, kaya naman hindi naging mahirap sa akin ang maging isang masipag na anak at mabait na kapatid.

Wala mang madalas ang mama ko sa bahay, napupunan naman ito ng pagiging malapit ko sa aking papa. Kaya rin, marami akong masasabing magagandang bagay patungkol sa kanya. Isa siyang good provider at maaasahan sa lahat ng aming pangangailangan.

Mataas ang tingin ko sa papa ko! Kaya ko siyang ipagmalaki sa lahat ng tao. Ngunit, dumating ang araw na gumuho ang maganda kong pagtingin sa kanya.

I was sexually abused by my own father.

Lovely, noong siya ay 14 na taong gulang

‘Yong “papa” na tiningala ko, ‘yong “papa” na proud na proud ako ay may ginawang masama sa akin. Minolestiya niya ako sa edad na 14.

Ito ay isang bagay na kailanman ay hindi ko akalaing magagawa sa akin ng tatay ko! Binuwag niya ang wala kong muwang na pag-iisip.

Nadurog ang puso ko. Nagbaon ito ng malalim na sugat sa puso ko at lumason sa buong sistema ko. Dahil dito, nagkaroon ako ng matinding takot—lalo na sa mga lalaki.

Galit na galit ako sa papa ko! Ang sinisigaw lang ng puso ko noon ay, “Hinding-hindi ko siya mapapatawad!” Bagsak na bagsak ang buhay ko at wala na akong pag-asa. Until one day, pumunta sa school namin ang isang grupo ng mga kabataan mula sa Lifegiver Church in-invite nila akong magpunta sa kanilang simbahan.

Isang linggo lang

Isang linggo matapos nila akong imbitahan ay naranasan ko ang mainit na pagyakap sa kanilang Life Retreat.

Dito ko naintindihan na hindi lang ang tatay ko ang makasalanan. Sa tindi ng aking galit sa kanya ay hindi ko nakita na pati rin pala ako ay isang makasalanan. Kailangan ko ng sasagip sa akin! Dito ko napagtanto na mayroon pala akong Tatay sa langit at ako ay mahal na mahal Niya!

Unang beses na nagpatotoo si Lovely sa harap ng mahigit kumulang 1,000 estudyante sa Bacolod

Ipinaramdam sa akin ng Diyos na Siya ang hinahanap ng puso ko—ang Ama na kailangan ko. Kung kaya Niya akong patawarin sa lahat ng kasalanang nagawa ko, sino ako para magtanim ng galit sa tatay ko?

Ang durog kong puso dahil sa ginawa ng tatay ko sa lupa ay hinilom ng Panginoon. Inangat ako ng Diyos. Tinulungan Niya rin akong bumalik sa tatay ko at magpatawad.

‘Yung puso kong puno ng galit ay pinalitan Niya ng purong pagmamahal. Pagkauwi ko mula sa Life Retreat, tulad no’ng kwento sa Bibliya patungkol sa alibughang anak, umuwi ako sa tatay ko. Ang pinagkaiba lang sa kwento, ako ang tumakbo at yumakap sa kanya. Sinabi kong mahal na mahal ko siya.

Noong araw rin na iyon, nagkapatawaran kami. Doon nagsimula ang lakbay ng tatay ko sa pananampalataya sa Panginoon.

In-invite ko siya para um-attend sa aming simbahan. Sa biyaya ng Panginoon, pinuntahan siya ng isa kong kaibigan sa aming tahanan upang ibahagi ang Mabuting Balita sa tatay ko. Noong araw ring iyon, tinanggap Niya si Jesus bilang kanyang Diyos at Tagapagligtas at nagsisi sa kanyang mga kasalanan.

Pagdalo ni Lovely kasama ang kanyang ama sa isang Sunday service Papuri sa Diyos dahil nakakilala rin ang papa ko kay Lord!

Simula rin noon ay nagpatuloy pa ako lalo sa pananampalataya sa Diyos.

Napakaraming nangyari sa aking buhay na nagpahayag ang Diyos sa akin ng Kanyang kabutihan at katapatan—sa pag-aaral ko, sa hanapbuhay ko, at sa pamilya ko.

Lovely, kasama ang pamilya niya

Pagbabahagi ni Lovely ng Salita ng Diyos sa kanilang simbahan Noong bata ko, hanga ako sa tatay ko dahil sa kanyang pagiging good provider.

Ngayon, natunghayan ko na ang aking Diyos Ama ay higit na Good Provider sa akin.

Ngayon, masasabi kong, “Proud na proud ako sa Tatay ko!”

Ang Tatay ko sa langit ang nagpagaling sa nabuwag kong pagtingin sa isang tatay.

Ako si Lovely, lubos na minahal ng Diyos Ama, at ako ay may PUSO para sa henerasyong ito!

 

Lovely Joy Paguinto

Si Lovely Joy Amurao Paguinto ay isang coach, campus missionary, youth leader, at aktibong manggagawa ng Panginoon sa iba't ibang ministeryo. Siya rin ay lalo pang lumalago sa pananampalataya sa Panginoon at binigyan ng pusong nagsisilbi para sa henerasyong ito.