Sa pag-alon ng bughaw na tubig dagat
tangay-tangay ang mga pinong buhangin
Makukulay na bato ay sinasalat
Humihila’t nangaakit ng paningin
…..
Sa tunog na gawa ng hanging amihan
Sumayaw ang tubig padalampasigan
Ang karagatan ay nagiging tanghalan
Di napapagod, umaraw at umulan
……
Ngunit biglang mga buhangiy bumigat
Makukulay na bato’y hindi na masalat
Mga liwanag nito’y biglang nabatbat
Nagtago pagkat takot’ magmukang kalat
…..
Sa isang iglap ang alon ay tinamad
Kanyang indak ay natakot na ilahad
Tunog ng hangi’y sa iba na napadpad
Namatay na ang sigla at paghahangad
…….
Ngayo’y umaasang muling rumagasa
Nananalig na muling mabubuhay pa
Naghihintay na muli ay matunugan
himig ng amihang kay sarap sayawan
……
Kaya alon, ika’y gumalaw-galaw na
Sa buhanging mabigat ika’y dumamba
Alising muli ang lumamon sa ganda
ng Makita ang kinang ng batong maharlika
by: John David Bautista