By Archie Salvador
Gloc-9

Mahal kong anak,

Unang una, nagpapasalamat ako sa Diyos na ibinigay ka Niya sa akin. Hindi na yata mabilang sa salita ang pasasalamat ko sa Diyos.

Anak ko, ginamit ka ng ating Diyos upang tumingin ako sa buhay na ninanais Niya. Ang dating walang direksyon at patutunguhang buhay ay biglang nagkaroon ng saysay.  Doon ko naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya.

Gusto ko sana anak na ang lahat ng bagay na gumugulo sa isip mo at mga bagay na gusto mong malaman at maintindihan ay itanong mo sa akin ng walang alinlangan. Maiintindihan kita dahil mahal kita, anak..

Minsan talaga ang hirap magdisiplina dahil masakit sa akin ang nasasaktan ka, pero alam kong para iyon sa kabutihan mo.Salamat sa Panginoon dahil lahat tayo ay tinuturuan Niya. Tandaan mo, anak, unang una kami ni Mama ninyo na masasaktan kung ikaw man ay masaktan o mahirapan.

Sa lahat ng iyong papangarapin ay nandito lang kami para alalayan at suportahan ka.Kasama mo ang ating Diyos, anak ko.

Mahal na mahal ka namin.

Nagmamahal,

Ang iyong ama