Hinga
Minsan na tayong nalunod sa mga agos ng trabaho
Natangay sa mga alon na problemang para bang walang katapusang humahampas sa iyo
Nabaon sa mga buhangin ng nakaraang di makalimutan
Kung pwede lang sanang layuan
Kung pwede lang sanang takasan
Takbuhan ang mga suliraning naghahabol sa iyo
Kung pwede lang huminga,
kahit panandalian
Pero…
nandito pa din tayo
Nakakulong sa mga kwadradong pader na tila bang lumiliit sa bawat araw na di tayo nakakaalis
Nandito pa din tayong paikot ikot lang sa sariling lugar
Nandito pa din tayong magkakaahiwalay sa ating minamahal
Isang taon nang nakalipas,
pero parang walang nangyari
Isang taon nang dumaan
pero tayo’y nandito pa din
Tayong napapagod na
Tayong napaghihinaan na ng loob
Tayong gustong gusto nang makahinga
Pero kahit na para bang wala nang pag.asa
Kahit na ang problema ay di pa din nawawala
Kahit na nandito pa din tayo…
Ang totoo?
Nandito pa din Siya
Siyang nagmamahal at nagaalaga sa iyo,
Sa gitna ng pandemyang ito
Siyang binabago ang puso mo kahit na tayo’y gulong gulo
Siyang nagmamalasakit, at nagbibigay liwanag, sa madilim nating mundo
Inaantay lang tayo
Na ikaw at akoy
Lumapit kay Kristo
Kaya kapatid, hinga
Hinga kasi kayang kaya Niya
Hinga kasi siya ang ating gabay sa gitna ng pandemya
Hinga, kasi siya ang simula’t dulo ng estoryang eto
Na mismong kanyang hiniga’y binigay sa iyo
Nang sa ganun ikay mabuhay ng husto
Nakakulong man tayo sa ating mga bahay
Nakatakip ang mga bibig ng maskarang pangsagip
Pero di ibig sabihin ma ang buhay at puso natin
ay nakasarado din
Baka panahonnnang buksan
Baka panahon nang sundan
Baka panahon nang, huminga ng lubusan
Merlon Ascabano
Merlon is an IT consultant by profession and a servant of Christ by calling. Passionate about having Jesus known, he is always eager to point people towards Christ through arts, coaching, storytelling and teaching.