Noon, akala ko ang pag-asa ay namamana. Kumbaga, kung nasa maayos na relasyon at estado ang mga magulang mo noong isinilang ka, napakapalad mo. In my younger years, ganyan ang perspective ko, na iyong mga ganitong tao, sila lang ang may karapatang mangarap at magkaroon ng pag-asa sa buhay. Ngunit kung ang pamilya ay sira, hindi na ito maayos at forever ng broken ang relationships.
Ako si John David, dalawampu’t limang taong gulang. Bunso ako sa apat na magkakapatid at lumaki akong walang tatay na kinagisnan. Noong bata palang ako, palagi ko nang naririnig mula sa aming mga kamag-anak ang kanilang sinasabi na kawawa daw kami o kaya’y wala na daw kaming pag-asa. Bakit daw naman kasi ganoon? Kami raw ay mga born-again pero nambabae ang tatay. Born-again nga naman daw pero ang gulo-gulo ng pamilya at tila wala ng magandang kinabukasan para sa amin. Born-again na kami at sa kabila ng aming sinapit, nanatili ang aking ina sa pagiging Kristiyano at tagasunod ng Diyos. Palagi niya kaming sinasabihan na magpatawad sa aming ama at palaging magtiwala sa Diyos. Hindi ko kailanman naramdaman ang kalinga ng isang ama ngunit sa totoo lang, hindi ako nahirapang magpatawad. Gayunpaman, nakikita ko sa mga mata ko ang epekto ng pangyayaring iyon sa aming pamilya. Naranasan ko rin ang hirap na naidulot nito kaya ang pagtitiwala sa Diyos ay hindi ko mapanghawakan ng maayos.
Ang Aking Kabataan
Nasaksihan ko ang mga epekto ng pagkakaroon ng isang sirang pamilya. Totoong mahirap ang buhay kung wala kang ama na magtataguyod upang magkaroon ng pantustos sa iyong pangangailangan. Kaya ang aking ina ay nagdesisyong maghanapbuhay para sa amin. Kahit mahirap iyon para sa kanya, ginawa niya ang lahat nang pagsusumikap at pagsasakripisyo upang maibigay ang lahat ng aming pangangailangan. Kahit bata pa lang ako, masakit para sa akin na makita ko siya noon na umiiyak sa dami ng problema at hirap ng responsibilidad na kanyang kinaharap. Sa tuwing magtatanong kami kung bakit siya umiiyak, palaging tugon niya ay “Mag-pray nalang tayo anak.” Hindi lingid sa aking isipan ang mga pasakit na pinagdaraanan ng aking pamilya, at alam kong ang lahat ng iyon ay epekto ng pagkawala ng aming ama.
Naaalala ko rin na noon, nagtatanong ako sa Diyos kung bakit lahat ng heartbreaks, kakulangan, at mga struggles ay nangyari sa amin. Pero wala naman akong ibang alam na sagot kundi dahil sa iniwan kami ng aming ama.
Ako at ang aking mga kapatid noong kami ay mga bata pa.
And then nagsimula akong maging sakitin. Palagi akong hinihika at sobra itong nakadagdag sa problema ng aking ina. Halos gabi-gabi akong nahihirapan sa paghinga dahil sa atake ng hika. Naaalala ko noon, nakikihiram lang ako ng “nebulizer” sa kapitbahay o kaya ay sa barangay health center. Minsan ay wala pa akong iinuming gamot. May times naman na humuhupa ang aking hika kahit na walang gamot o kaya ay nebulizer. During those moments, sobrang naaawa ako sa aking sarili at sa aking pamilya, lalo na sa aking ina na lahat naman ay ginawa upang kami’y mabigyan ng pantawid sa araw-araw at matustusan ang aming pangangailangan. Natatandaan ko rin noong Grade 3 ako, pinili ng aking ina na manirahan kami sa aming bahay-Sambahan o simbahan. Naging tagalinis siya roon at ninais niya na mailapit kami lalo kay God at sa ministry. Kapag doon nga naman kami nakatira, wala kaming choice kundi umattend sa lahat ng mga “church fellowships,” “prayer meetings,” “bible studies,” “discipleship meetings,” and “Sunday services.” Subalit dahil sa sitwasyon na nagdulot ng problema sa aming buhay, tumatak na sa utak ko na wala na akong pag-asa. Wala akong karapatang maghangad sa buhay dahil ramdam ko ang hirap, sakit, at problema na naging parte na ng buhay ko. Natanim sa aking isipan na ang mga problemang iyon ay hindi ko matatakasan at hinding-hindi na ako makakaalis sa sitwasyong iyon. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na ako nangarap at wala akong pakialam kung anong magiging hinaharap ko. Noong high school na ako, palagi akong lumiliban sa klase. Hindi ko na rin masyadong iniisip pa na mag-kokolehiyo ako. Christian na ako noon, pero wala akong pangarap at pakiramdam ko wala naman akong dapat ipagkatiwala sa Panginoon. There was a part of me that was dead. Hope was nothing but a dead thing to me.
Simula ng Pagbabago
Madalas mo akong mariringgan ng mga word of God kasi Kristiyano nga ako. Umaawit ako para sa Panginoon, nagli-lead ng worship, pero deep inside, hindi ako nagmi-minister. Kulang ako para sa sarili ko. Nakatatak na sa isip ko na dapat limitado lang ang aking pangangarap kasi walang tutulong sa’kin. Kaming magkakapatid, wala kaming maa-accomplish kasi sa simula’t simula palang nadetermine na ng mundo kung sino ako, sino kami: walang pag-asa at kawawa. Gayunpaman, hindi nawawala sa akin ang pananalangin at ang connection kay God. Pero may mga instances na hirap na hirap talaga akong ipagkatiwala sa Diyos ang aking future. Tila walang pinupunto ang direksyon ng buhay ko at kung saan na lamang ako ipadpad ng hangin ay doon na lamang ako susunod. Pilit kong pinaniniwala ang aking sarili na dapat na akong mapanatag sa pagiging kontento sa buhay pero ang totoo, kawalan yun ng pagtitiwala na kayang baguhin ng Diyos ang aking buhay.
Hanggang isang araw, ipinatawag ako ng aming senior and founding pastor sa church office upang ako ay kausapin. Sinabi nila sa akin na matagal na silang nagpi-pray para sa isang church minister na papapasukin sa seminaryo upang mag aral at maghanda sa pagpapastor. Sinabi nila na parehas silang nananalangin at ang naging kasagutan sa kanila ng Diyos ay ako. Sa oras na yun nag-oo agad ako sa kanila kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako handa. Pero naalala ko ang kwento ng aking ina. Ayon sa kanya, marami na daw mga taong nag-prophesy sa kanya na isa sa mga anak niya ay magiging pastor. Noon, dahil nga wala akong pangarap, palaging sumasagi sa isip ko na mag-pastor na lang kaya ako. Nakakatawa pero totoo. Kumbaga, magpapastor ako dahil sa wala akong pag-asa sa buhay. Ganoon ang nasa aking isipan sa pag-miministry dati. Iyon ang tingin ko noon sa pagpapastor. Nag-miministry ako as a replacement sa aking kakulangan. Kaya naman, ang dali para sa akin ang mag-yes noong sinabi ng aking pastors na mag-aaral ako. Sa loob-loob ko, sinabi ko sa Diyos, “Panginoon, gusto kong sumunod pero huwag N’yo pong hayaang makahanap sila ng school habang hindi pa ako handa.” During those times na naghahanap ng Bible School at inihahanda ako ng Panginoon, I started to realize the real meaning of ministering. I started to see what it means to truly offer your life to God for ministry and to trust Him that He has prepared something great for your life for a greater cause-bigger than my life, bigger than me. In those times too, I started to fully rely on God and believe that indeed, He knows the plan He has for me, to prosper, to give me hope and a future. I came to realize na lahat ng happenings at experiences sa buhay namin ay ini-allow ng God upang mas makita ang Kanyang Glory sa aking buhay. My mindset started to change. My perspective in life started to change, and I started to faithfully believe in God more and become hopeful in life.
Ako sa habang nasa Asian Seminary of Christian Ministries.
Proseso ng Paglago
In 2015, I found the Asian Seminary of Christian Ministries (ASCM) through one of our pastors from another outreach. Sa ASCM, mas nag-grow ako as a minister. Sa tulong na rin ng aking mga professors and teachers, madami akong natutunang learnings and life lessons na aking nagagamit sa ministry. Nakita ko ang kaibahan ko noong akala ko wala akong future kaysa noong ako ay nasa ASCM na. It was better. I began to strive for excellence for the Lord, both in ministry and academics. I was inspired at nagkaroon ako ng stronger na pagtitiwala sa Panginoon. In May 2019, I finished my course, Bachelor of Theology, as cum laude and received special awards, such as leadership and service award and outstanding student award. Noong oras na iyon, ang daming ipinaalala sa akin ng Diyos. Ipinaalala Niya sa akin na hawak Niya ang aking buhay at anumang mga nangyari sa aking nakaraan, hindi ito hadlang upang may maabot ako para sa Kanya. Another is, ministering is a very noble job. Ministering and serving the King of kings and Lord of lords are things to aim in life. Hindi ito para sa mga taong left with no choice or walang pangarap sapagkat kapag tinawag ka ng Panginoon, gagamitin ka Niya for greater cause. Lastly, it is better to entrust our lives to God rather than to ourselves. That is because when you start to trust God, He will show you His purpose for you. Truly, all things work together for the good for those who love God.
Ako at ang aking mga kapatid sa kasalukuyan.
Paglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-awit.
Ang Kasalukuyan at ang Hinaharap
Today, I am ministering in our church, which is Christ Charismatic Fellowship International Inc., in San Pascual, Batangas as a worship pastor and director. Now, I can freely trust God throughout my life. Ang aking sitwasyon sa buhay ay hindi kailanman magiging hadlang upang Siya ay kumilos at gumawa ng mga kamangha-manghang works and wonders in our lives. Whatever God has prepared for the future, I know, I am secured in Him so I will put my confidence in Him alone. I will continue offering my life to Him.
John David Bautista
John David Bautista, also known as JD, is a graduate of Bachelor of Theology from the Asian Seminary of Christian Ministries. He loves to write poems and songs about life. He is a Worship Director in his home church in Batangas, Philippines.