By: Julian “Y” Ricafort
Panahon ngayon ay iba na mula noon.
Mga panahong buo ng sulat at tanong.
Tanong na nagsisimula sa paano? At ano?
Ultimo ikaw mismo nagtataka kung ano ba talaga ako?
Sa mundong isang konsepto lang ang ipinamumukha
Mga mali na pinagmumukhang tama – tama na pinakikitang mali,
Mga maling ginagawa ay mabilis na nakahahawa.
Ano ba talaga ang TAMA sa salitang MALI?
Tama ba ito? Sino ba ako?
Mundo na ang humusga kung sino ka,
Kasalanan naman ang nagsabi na nasa tama ka.
Hinayaan nalang ang gutom na puso para sa pagkakilanlan,
Na binusog ng mundong makasalanan.
Tama ba ito? Ito na ba ako?
Isip na puno ng mga tanong dala ng sitwasyon,
Puso na gumawa ng sariling desisyon.
Isip na kapos sa kaalaman at kumikilos ayon sa laman,
Puso na naga-asam ng simpleng kasagutan ngunit na iwang sugatan.
Totoo ba ito? Tama na. Ayoko na!
Panahon ngayon ay iba na mula noon.
Pilit na bumuo ng TAMANG sagot para sa tanong.
Tanong na humihingi ng IISANG sagot.
Ano ba talaga ako? Paano na ako?
“Ako’y nilikha ni YAHWEH, mabubuhay para kay YAHWEH.”
Very deep and insightful, Y. Keep it coming😊 we are proud of you!
Wow!! This is so true. We need more column like this! Waye. 👍👍👌👌