“Payak ngunit makabuluhan”

Ganiyan inilarawan ni Col. Arvin Lagamon sa kanyang pambungad na pananalita ang pagdiriwang ng ika-animnapu’t anim na taon mula nang maitaguyod ang Civil Military Operations Regiment o kilala rin sa tawag na CMOR.

Ang CMOR ay isa sa mga sangay ng Hukbong Katihan ng Pilipinas(Philippine Army) na ang pangunahing layunin ay ang makapagbahagi ng maayos at mahalagang impormasyon na makatutulong sa ating mamamayan upang lubos na makilala nito ang Hukbong Katihan ng Pilipinas. Bukod pa rito, sila rin ang pangkat na naatasang mamahala sa mga aktibidad tulad ng pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa mga sibilyan at mga proyektong tulong sa mga sibilyan lalo na sa mga apektado ng mga sakuna at kaguluhan.

Ang pagdiriwang ay ginanap sa kanilang punong tanggapan sa Fort Bonifacio noong Agosto 30 na may temang: Diverse and Intensified CMO Amidst Evolving Threats. Sa pangunguna ni Army Chief of Staff, Maj. Gen. Jesus B. Sarsagatay, binigyang parangal ang mga natatanging sundalo sakanilang serbisyo bilang parte CMOR. Binigyan din ng pagkilala ang kanilang “Modular Barracks and Mobile Loudspeakers program.”

Sa pagkakataon na ibinigay kay Army Chief of Staff, Maj. Gen. Jesus B. Sarsagat upang magbigay ng talumpati, nagbalik tanaw s’ya sa kanyang paglilingkod sa bayan simula noong 1988. Ayun sa kanya, ang tagumpay ng isang sundalo ay makakamit lamang kapag kanyang napagtagumpayan ang isip at puso ng bawat Pilipino na kanyang pinaglilingkuran.

 

 

Joyce Anne Geronimo

A jittery writer who wrestles away
the fear of what others may say.
I yearn to explode like fireworks lighting the midnight sky
To color the monotonous air with lines and rhyme.
I trace the trail to forever and a day…